Posted May 12, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM
Boracay
Ito ang payo ng PCG sa
mga boat operators galing Hambil kaugnay sa ipinapatupad na 1 Entry-1 Exit
Policy sa Boracay.
Ayon kay Philippine
Coastguard Boracay sub-station commander PO1 Arnel C. Zulla, kailangan talagang isaalang-alang
lagi ng mga na boat operators ang kanilang dukumento bago pumalaot upang
maiwasan ang anumang abala o problema sa kanilang pagdating sa isla.
Kaugnay din ito sa
mandato ng pamahalaang probinsya ng Aklan sa mga law enforcers sa isla na
bantayang mabuti ang dalampasigan laban sa mga lumalabag sa 1 Entry-1 Exit
Policy.
Dapat kasi na sa Cagban
Port lamang magda-dock ang mga nasabing bangka at hindi pwede sa beach front ng
Boracay.
Samantala, maaalalang
nagbabala ang LGU Malay na huhulihin ang mga bangka partikular na ang sa Hambil
Romblon kapag lumabag sa nasabing batas.
No comments:
Post a Comment