Posted May 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naging maayos ang ginawang World Record Breaking Attempt
ng Boracay sa Guinness Book of Record bilang Longest Massage Chain.
Kung saan umabot ng isang libo at anim na raan ang mga
lumahok sa ginawang pag-attempt ng naturang record kaninang umaga sa beach
front station 2.
Nasaksihan ng mga turista doon ang World Record Breaking
na haba ng linya ng mga masahistang sabay-sabay na nagmasahi sa kanilang kapwa
masahista.
Hindi rin inalintana ng mga partisipante ang init ng
panahon maging ang high tide basta’t masungkit lamang ang record na hawak ng
bansang Thailand.
Sa kabilang banda ilang opisiyal ng Guinness ang dumalo
sa naturang event para saksihan ang ginawang pag-attempt ng Boracay, maliban pa
kay Aklan Governor Florencio Miraflores, Malay Mayor John P. Yap at ilang
matataas na opisyal ng probinsya ng Aklan at bayan ng Malay.
Puno rin ng kasiyahan ang mga sumali sa Longest Massage
Chain dahil sa kabilang sila sa isang malaking kasaysayan sa mundo lalo na at
napagtagumpayan nila ito.
Maituturing namang malaking kasaysayan para sa Boracay
ang ginawang pagsali sa Guinness dahil na rin sa makakadagdag ito sa turismo ng
isla at pagbibigay pugay narin sa mga massage Therapist sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment