Posted May 13, 2014 as of 12:00nn
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Engr. III Lou Sta. Maria ng
Provincial Health Office (PHO) Aklan.
Anya, ang pag-a-upgrade ng mga ospital sa probinsya
ng Aklan ay bahagi ng Health Facilities Enhancement Program ng Department of
Health (DOH) kung saan adbokasiya nitong gawing mas komportable ang mga
pasyente sa ospital.
Samantala, nabatid na ang expansion ng Don Ciriaco
S. Tirol Memorial Hospital o mas kilala
sa tawag na Boracay Hospital ay napagplanohang palalakihin at gagawing tatlong
palapag kasama na ang paglalagay ng elevator para dito.
Ayon pa kay Engr. Sta. Maria, naglaan ng 40 milyon
pesos ang DOH para sa nasabing construction kung saan suportado naman ng LGU
Malay.
Una na ring sinabi ng PHO Aklan na magiging isang
magandang hospital ang Boracay hospital dahil
sa maglalagay ang DOH ng mga equipment para sa iba’t-ibang operasyon ng mga
magpapagamot.
Kabilang rin dito ang pagdadagdag ng staff para
lalong mabigyang pansin ang mga pasyente hindi lamang ng mga taga Boracay kundi
maging ang mga turista.
No comments:
Post a Comment