Posted
May 14, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Mistula umanong hindi worried sa paglabas ng kanyang pangalan sa
Napoles list si Aklan Governor Miraflores.
Ayon kay Aklan Provincial Administrator Atty.Selwyn Ibarreta, parang
‘business as usual’ ang naging reaksyon ni Governor Miraflores nang malaman
kahapon ang balita na kasama siya sa listahan ng mga senador at congressman na
inilabas ni dating senador at ngayo’y Rehabilitation czar Panfilo Lacson.
Sinabi pa ni Ibarreta na base sa kanyang opinyon, maaaring maraming
lumabas na listing kaugnay sa pork barrel scam, kung kaya’t hindi rin umano
masasabi kung ano talaga ang totoo.
Samantala, kaugnay nito, kinampante naman ni Ibarreta ang loob ng mga
Aklanon hinggil sa nasabing balita.
Nabatid na humihingi ng sapat na ebidensiya ang 12 dati at incumbent
senator at 68 ang kongresista matapos masangkot sa listahan ang kanilang mga
pangalan.
No comments:
Post a Comment