Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos na sabihin ni SB Member Rowen Aguirre sa
kanyang privilege speech sa SB session kaninang umaga, na maging sya mismo ay
nakasaksi hinggil sa sobrang singil ng isang driver sa isang pasahero sa
Cagban Jetty Port.
Ikinuwento nito na habang papunta sya sa SB Session
Hall ay meron itong nakasabayang lokal tourist na siningil ng nasabing driver
ng 100 pesos sa halip na 15 pesos na regular rate.
Agad naman umanong sinita ng konsehal ang nasabing
driver, kinuha ang body number ng kanyang traysikel at inireport sa BLTMPC.
Plano naman ngayon ni SB Member Aguirre na
magsumite rin ng report sa Land Transportation Franchising and
Regulatory Board (LTFRB) para mabigyan ng leksyon ang mga ganitong klaseng driver.
Nagsuhestiyon naman ang ilang SB member na dalhin
at ireport sa police station ang mga driver na lumalabag sa batas.
Ang mga ganitong aktwasyon ay nakakasira umano sa
turismo ng isla lalo pa’t isa sila sa mga itinuturing na public utilities.
Samantala, maliban kay Aguirre ay nadismaya din
sina SB member Natalie Paderes at SB member Floribar Bautista, dahil maging
sila mismo ay nakasaksi at nabiktima din umano ng mga mapagsamantalang driver.
No comments:
Post a Comment