Ni Jay-ar M. Arante, YES FM
Boracay
Kailangan umanong aksyunan ang di-umano’y pagtaas ng mga presyo ng karne
ng baboy at manok sa isla ng Boracay.
Ayon kay DTI Aklan Provincial
Director Diosdado P. Cadena Jr.
Kung totoo umano ang nasabing
report at may sapat na ebidensya ang mga nagrereklamong mamimili na meron ngang
mga nagbebenta ng mga ito sa mataas na presyo
ay maaring idulog muna ito sa Department of Agriculture (DA).
Direkta naman nitong sinabi na
wala silang jurisdiction para pangunahan ang pag-iimbistiga nito dahil sa nakahanay
umano ito sa nasasakupan ng Department of Agriculture o ng lokal na pamahalaan.
Maliban kasi sa DTI ay may iba
pang mga ahensya ng gobyerno ang naatasang subaybayan ang mga presyo ng bilihin
tulad ng Department of Environment at Natural Resources (DENR), Department of
Agriculture (DA), at Department of Health (DOH).
Dagdag pa ni Cadena kung may
ganitong problemang nangyayari sa mga pamilihan ay dapat na aksyonan ito ng
lokal na pamahalaan sa pangunguna mismo ng alkalde.
Maaari naman aniyang imbistigahan
ito kasama ang Treasures office ng LGU, PNP at DA na pwedeng mag-implement ng
prosecution Act.
Ipinaalala din nito sa mga
mamimili na kung may mga nakikitang lumalabag ay ipigbigay alam sa DTI o sa iba
pang ahensya ng gobyerno na naatasang subaybayan ang mga presyo ng bilihin.
Samantala, umapela naman si
Cadena sa mga nagtitinda na huwag mag-take advantage at dagdagan pa ang pasanin
ng ilang mga residente kung saan sinanlanta ng bagyong Yolanda.
No comments:
Post a Comment