Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y kapag napatunayan na nagbebenta sila ng mga
substandard Christmas lights na walang kaukulang safety at standard
certificate.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) Aklan, kailangan ang lahat ng manufacturer o importer ng Christmas
lights ay nakapasa sa mga panuntunan ng Bureau of Product Standards (BPS)
Product Certification Scheme.
Nabatid na posibleng makasuhan pa ang mga mall at
pagmumultahin ng hanggang isang daan at limampung daang libong piso (P150, 000).
Kailangan rin ang mga ito na makakuha ng Philippine
Standards License at Import Commodity Clearance (ICC) certificates.
Sa ngayon patuloy parin ang ginagawang monitoring ng DTI sa
mga pamilihan ng mga Christmas decorations lalo na pagdating sa Christmas
lights.
No comments:
Post a Comment