Ni Bert Dalida, Yes FM Boracay
Lalakarin ng PCCI-Boracay ang pagkakaroon ng dagdag na
motorsiklo para sa BTAC o Boracay Tourist Assistance Center.
Ito ang sinabi kahapon ni PCCI o Philippine Chamber of
Commerce and Industry-Boracay President Ariel Abriam, matapos ang kanilang ceremonial
turn-over ng isang motorsiklo sa mga taga Boracay PNP.
Ayon kay Abriam, sila ang sumulat at nag-follow sa national
headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame upang mabigyan
ng dagdag na sasakyan ang mga pulis sa isla.
Iisa lamang umano kasi ang sasakyan o patrol na ginagamit
ng mga taga Boracay PNP na galing sa Crame.
At dahil mas ok sa trapik at mabilis para sa emergency,
kung kaya’t motorsiklo ang sinang-ayunan ng PCCI para sa BTAC.
Samantala, maliban sa lalakarin umano ng PCCI ang dagdag
na motorsiklo para sa Boracay PNP.
Sinabi pa ni Abriam na pagtutuunan din nila ng pansin sa
susunod na mga araw ang pagkakaroon ng bangka para sa mga taga Philippine
Coastguard.
Ginanap naman ang ceremonial turn-over ng nasabing
motorsiklo sa Joint Flag Raising Ceremony ng BAG o Boracay Action Group kahapon
sa Balabag Plaza.
No comments:
Post a Comment