Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay AKELCO Asst. General Manager Engr. Joel Martinez.
Temporaryong impormasyon lamang ang naibibigay sa kanila ng National
Grid Corporation of the Philippines (NGCP), tungkol sa kung kailan talaga babalik
sa normal ang kuryente sa isla.
Pinasiguro kasi kamakailan ng AKELCO na babalik na sa normal
ang suplay ng kuryente sa December 10.
Subali’t hanggang ngayon, nagtitiis parin ang isla sa
parasyun-rasyong suplay ng kuryente.
Paliwanag ni Martinez, depende sa trabaho ng line man ng
NGCP kung matatapos agad ang pagsasasyos ng mga nasirang poste.
Sinabi din nito na bukas malalaman mula sa NGCP ang
pinakahuling update tungkol dito.
Samantala, hinimok din nito ang mga member consumers na magsumbong
sa kanila sakaling may mga tauhan ang AKELCO na tumatanggap ng suhol upang
maibalik ang suplay ng kuryente sa kanilang lugar para maaksyunan.
No comments:
Post a Comment