Ni Bert Dalida,
YES FM Boracay
Inakala ng
ilang residente sa Barangay Balabag na may gaganaping concert doon kahapon.
Inilagay kasi
sa mismong entablado ng barangay ang mga live band equipments na kinumpiska ng
mga Municipal Auxiliary Police nitong Lunes ng gabi.
Ito’y matapos
ipatupad ng LGU Malay ang Municipal Ordinance No. 183 Series of 2003 at
Municipal Ordinance No. 132 Series of 2000.
Nakasaad sa mga
nasabing ordinansa na dapat mula alas singko ng hapon hanggang alas sais ng
umaga lamang ang mga inilatag na mesa at upuan sa beach front area.
Maliban sa mga
mesa at upuan, ipinagbabawal naman ang paglalagay ng mga fixtures, equipments,
at furnitures o mga muwebles doon.
Kaugnay nito,
kinumpirma ni Boracay Island Chief Operation Officer Glenn SacapaƱo na may apat
na establisemyentong lumabag sa nasabing ordinansa, simula nitong December 1,
kasama na ang mga nakumpiskang equipments.
Ipinaliwanag na
rin umano ni SacapaƱo sa mga violators ang kahalagahan ng mga nasabing batas at
sinabing aayusin na ang mga live band at parties sa long beach ng Boracay sa
taong 2014.
No comments:
Post a Comment