Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Masusing mino-monitor ng Department of Trade and
Industry (DTI) Aklan ang price freeze na
kanilang ipinatupad sa mga lugar na matinding naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Ayon kay DTI Aklan Provincial Director Diosdado P.
Cadena, Jr.
Patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring na
nagsimula noong November 11 at matatapos umano hanggang January 10.
Aniya, batay sa Seksyon 6 ng Republic Act 7581.
Ang mga presyo ng basic necessities sa isang lugar
na nakaranas ng kalamidad ay dapat na nakalagay sa awtomatikong pag-kontrol ng
presyo.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DTI sa mga
nagtitinda na huwag mag-take advantage sa mga paninda dahil ang mahuhuli ng
ahensya na magbebenta sa mataas na presyo ay papatawan ng kaukulang parusa.
Una rito, naglabas na umano ang DTI Aklan ng
listahan ng Automatic Price Control (APC) para sa Basic Necessities na nasa
ilalim ng hurisdiksiyon nito.
Ayon pa kay Cadena, hindi rin tumitigil ang mga
tauhan ng DTI sa pagiikot sa mga pamilihan sa bansa upang regular na imonitor
ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ipinaalala din nito sa mga mamimili na kung may mga
nakikitang lumalabag ay ipigbigay alam sa DTI o sa iba pang ahensya ng gobyerno
na naatasang subaybayan ang mga presyo ng bilihin tulad ng Department of
Environment at Natural Resources (DENR), Department of Agriculture (DA), at
Department of Health (DOH).
No comments:
Post a Comment