Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaksyunan ng CENRO ang paglabag ng isang resort sa moratorium
at ordinansa ng SB Malay kaugnay sa height requirements sa isla ng Boracay.
Ayon kay Sharon Teodosio ng CENRO Boracay, buwan-buwan silang nagsasagawa ng monitoring sa isla para sa mga hotel at resort na nagpapagawa ng kanilang mga building.
Ayon kay Sharon Teodosio ng CENRO Boracay, buwan-buwan silang nagsasagawa ng monitoring sa isla para sa mga hotel at resort na nagpapagawa ng kanilang mga building.
Isa umano sa mga lumabag nito ay ang isang hotel sa station
2 na umabot sa anim na palapag ang kanilang pinapagawang hotel.
Agad namang nakipag-ugnayan ang CENRO Boracay sa lokal na
pamahalaan ng Malay para mabigyan ito ng agarang aksyon.
Napag-alaman na lumabag ito sa ipinatupad na moratorium ng
LGU Malay at sa height requirement ng building na dapat ay apat na palapag
lamang.
Dahil sa ginawang aksyon ng CENRO at ng mga kinauukulan,
nag-request o humingi ng pahintulot ang pamunuan ng nasabing hotel na kung
maaari ay payagan silang mag-expand ng kanilang hotel.
Dagdag pa ni Teodosio nasa tanggapan na ngayon ng Regional
office ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang ipadalang
request.
So that means that whenever you are found to have been violating the law, all you have to do is file a formal request on the concerned government agency to grant you clearance/permit to continue violating the law. Only n Boracay!
ReplyDelete