Ni
Bert Dalida, YES FM Boracay
Inaksyunan
ng LGU Malay ang mga lumabag sa height requirements ng mga gusali at establisemyento
sa Boracay.
Katunayan, pinahinto ng Malay Municipal Engineer’s Office ang construction ng isang resort
sa station 3, habang kinasuhan naman ang isang resort sa station 1.
Ito
ang kinumpirma ni mismong Municipal Engineer Elizer Casidsid at Boracay Island
Chief Operation Officer Glenn SacapaƱo kaugnay sa mga imprastraktura sa Boracay
na walang kaukulang permit for expansion at building permit.
Nitong
nakaraang buwan ng Pebrero ng taong kasalukuyan.
Sinabi
ni Casidsid na minomonitor nila at binibigyan ng kaukulang notice of violation ang
mga lumabag sa ordinansa kaugnay sa height requirements at regulasyon ng
building permit.
Iginiit
naman ni SacapaƱo na dapat may kaukulang approval o permiso ang ipapatayong
gusali dito.
Nabatid
na maraming mga environmentalists ang nagpaabot ng kanilang pagkabahala kaugnay
sa over development na nararanasan ng isla.
Samantala,
inaprobahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang amendatory ordinance ng
SB Malay kung saan tinaasan na ang height limits ng mga gusali at mga
imprastraktura sa Boracay.
No comments:
Post a Comment