Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay
Mukhang matatagalan pa ang pagpapailaw sa mga street light sa isla ng
Boracay.
Ayon kay Malay Municipal Engineer Elizer Casidsid.
Hinihintay parin nila ang proposal ng national government sa
pamamagitan ng Department of Public and Highways o DPWH, hinggil sa naturang
proyekto.
Sinabi pa nito na naka-pending sa ngayon ang naging una nilang plano
para sa pagpapa-ilaw ng mga street light sa isla.
Samantala, hiniling naman nito na sana ay dumating na ang proposal ng
DPWH upang matapos na rin ang nasimulan nang planong proyekto para sa mga
street light.
May plano naman umano kasi talaga para sa nasabing proyekto, ngunit
hindi sila makagalaw hangga’t hindi pa nakikita ang proposal mula sa national
government.
Ang isa rin sa mga rason kung bakit kailangan nilang hintayin ang
proposal, para maiwasang mag-overlap sa kanilang program of works.
Samantala, tinanggal na rin ang mga kinakalawang at bulok na street
lights sa mainroad ng Boracay upang hindi makapagdulot ng disgrasya sa publiko.
No comments:
Post a Comment