Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagsimula na ang pagbabantay ng tanggapan ng
Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng mga bilihin ng noche buena
products para sa darating na kapaskuhan ngayong Disyembre.
Ayon kay DTI Aklan Provincial Director Diosdado P. Cadena, Jr.
Namamahagi sila ngayon ng poster ng Suggested Retail Price (SRP) sa mga malalaking tindahan ganundin ang mga may maliliit na negosyo upang sundin ang tamang presyo na ipinatutupad ng DTI para sa kanilang ibenebentang Noche Buena products.

Mahigpit rin na binabantayan ang mga Christmas lights sa mga pamilihan at iba pang mga dekorasyon na gagamitin para sa pasko.
Ipinaalala nito na siguraduhing ang mga christmas lights ay may Import Commodity Clearance (ICC) upang maiwasan ang sunog at iba pang sanhi ng faulty electrical wiring.
Samantalahin na rin umano ang pamimili ng maaga sa mga kagamitan, panregalo at panghanda para sa darating kapaskuhan upang maiwasan ang sobrang siksikan sa palengke.
Paalala pa rin sa publiko na maging matalino ang mga mamimili sa pagbili ng ihahanda nila para sa darating na pasko at kung may problema sa kanilang mga biniling produkto ay magsadya lamang sa kanilang tanggapan.
No comments:
Post a Comment