Ni Gloria
Villas, YES FM Boracay
Mahigpit
na ipapatupad sa isla ng Boracay ang mga batas na nag-reregulate sa pagpapagawa
ng mga gusali at resort.
Ito ang
paninindigan ng SB Malay kaugnay sa tila kaboteng pagsulputan ng mga gusali sa
isla.
Sinabi ni
Malay SB Member Rowen Aguirre, Chairman on Rules, Laws and Ordinances na dapat
patigilin agad ang mga establisemyentong lumalabag sa batas.
Kaugnay
nito, sinabi ni Aguiree na may mga resort na ang inaksyunan at kinasuhan dahil
sa kawalan ng mga kaukulang permit.
Nabatid na
ipinatigil ng munisipyo ng Malay ang construction sa isang resort sa station 3,
habang isang resort naman sa station 1 ang sinampahan na ng kaso.
Samantala,
kinumpirma naman ni Aguirre na maaari nang ipatupad ang bagong amyendang ordinansa
ng Malay kaugnay sa height requirements ng mga gusali sa isla.
Ito ang
Municipal Ordinance No. 328, series of 2013 na inaprobahan na at nailathala na
rin sa mga pahayagan.
Subali’t
ayon kay Aguiree, posibleng mahirapang makapasa ang ilang establisyemento sa
isla tungkol sa nasabing ordinansa, dahil kailangang ikonsidera muna nila ang
lapad at espasyo ng kanilang lupa.
Dagdag pa nito, na may mga kaukulang penalidad kagaya ng pagdemolish o
pagpapahinto ng konstraksyon ang maaaring kakaharapin ng mga lalabag sa nasabing
ordinansa.
Hindi
umano kasi ang mga violators ang masusunod kundi ang mga batas at regulasyon na
ipinapatupad ng pamahalaan sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment