Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Brown out na naman ba?
Kailan ba talaga babalik ang power supply ng AKELCO?
Kailan kami magkaka-power ulit dito?
Ilan lamang ito sa mga paulit-ulit na katanungan ng publiko
sa kaugnay sa nararanasang rotational power supply o pagrarasyon ng suplay ng
kuryente sa isla.
Patuloy parin kasi ngayong naghihintay ang publiko sa
ipinangakong petsa ng AKELCO na babalik sa normal ang suplay ng kuryente sa
Disyembre 10.
Subali’t nagtataka parin ang lahat kung bakit nagtitiis
parin hanggang ngayon sa paggamit ng generator ang mga establisemyento at
resort sa isla.
Umaalma na rin maging ang mga maliliit na negosyante dito,
dahil sa nauudlot ang kanilang operasyon.
Sa barangay Balabag
halimbawa, may mga laundry services na walang magawa kungdi tanggihan muna ang
kanilang mga suki, dahil sa hindi malang eskedyul ng brown out.
Maliban dito, may mga residente parin sa isla ang nakiki-charge
ng kanilang mga cell phones, flash lights, at mga rechargeable lamps.
Magkaganon paman, patuloy paring umaasa ang publiko na
babalik na sa normal ang suplay ng kuryente, matapos manalasa ang super typhoon
Yolanda sa buong bansa.
No comments:
Post a Comment