Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Binabalasa parin ngayon ng BTAC ang pag-deploy ng
siguridad sa Boracay para sa taunang selebrasyon ng Ati-atihan festival ngayong
Enero.
Ayon kay Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Fidel
Gentallan, nag-aantay nalang sila ng desisyon mula sa lokal na pamahalaan ng
Malay at kay Boracay Action Group Adviser/Consultant Leonard Tirol para sa mga gagawing
preperasyon.
Nabatid na magiging maganda pa ang selebrasyon ngayon ng
Ati-atihan festival sa isla ng Boracay dahil sa tourism promotion.
Dagdag pa ni Gentallan, magiging all support naman ang
Boracay Action Center sa mga ganitong okasyon sa Boracay lalo na at dadagsain
ito ng maraming turista.
Samantala ang Ati-atihan festival ay tinaguriang mother
of all festival sa bansa bilang paggunita sa kapistahan ni Senior Santo NiƱo na
ipinagdiriwang sa bayan ng Kalibo.
Idinaraos din ito sa isla ng Boracay at ilang bayan sa
probinsya ng Aklan.
golden goose sneakers
ReplyDeletesupreme hoodie
yeezy 350
off white
kd 12
off white
goyard bag
hermes handbags
off white outlet
golden goose