Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maglulunsad ang Aklan Provincial health office (PHO) ng kampanya
laban sa paggamit ng paputok ngayong Holiday Season.
Ayon sa Aklan Provincial health office (PHO), layunin ng
Safe Christmas for Children campaign na maiiwas ang mga bata mula sa pagkasugat
o kaya’y kamatayan dahil sa paggamit ng mga paputok sa pagdiriwang ng Pasko at
pagsalubong sa Bagong Taon.
Nabatid na una nang inilunsad ang ganitong programa ng
Department of Health (DOH) kung saan nagpakita pa sila ng sneak preview ng kanilang ‘Iwas-Paputok
Dance’ upang hikayatin ang publiko na huwag nang gumamit ng paputok.
Kaugnay nito, ngayong Disyembre a-dose ay magkakaroon ng
pagpupulong ang Provincial Health office sa probinsya ng Iloilo para sa
isasagawang campaign.
Samantala, hinimok din ng DOH ang mga local government
units (LGUs) na mag-organisa na lamang ng community fireworks display o mas
ligtas na merrymaking ngayong Holiday Season at iwasan na ang paggamit ng mga
indibidwal na paputok.
No comments:
Post a Comment