Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ramdam na sa isla ng Boracay ang simoy ng kapaskuhan sa
pamamagitan ng ibat-ibang dekorasyon at pailaw na simbolo ng pasko.
Ito ay kahit na sinalanta ang isla ng bagyong Yolanda halos
mag-iisang buwan na ang nakakalipas.
Bilang paglimot nito naglagay ng malaking Christmas tree
ang Boracay Mandarin Resort sa Cagban jetty port para pandagdag atraksyon sa
isla.
Pinuno ito ng magagandang palamuti at sinabitan ng
Christmas lights at pinalibutan ng malalaking regalo.
Bukod dito patalbugan din sa pagpapaganda ng mga
Christmas decorations at mga pailaw ang ilang mga resort sa Boracay lalo na sa
area ng front beach.
Inaasahan naman ng Department of Tourism (DOT) na
dadagsain ng mga turista ang Boracay ngayong holiday season.
Kaugnay nito muling nagpaalala ang Akelco na panatilihing
magtipid sa paggamit ng kuryente at kung maaari ay iwasan muna ang paggamit ng
mga Christmas lights dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.
No comments:
Post a Comment