Ni Alan C. Palma Sr.,
YES FM Boracay
Simula Enero a-dos ng susunod na taon ay hindi na bibigyan
ng Business Permit ang mga establisyementong nakatanggap ng Notice of Violation
na hindi nag-comply sa mga ordinansang nalabag.
Ito ang kalatas mula sa Executive Order No. 14 ng LGU-Malay, kung saan ang Certificate of
Compliance ang magiging basehan.
Tinukoy din sa nasabing EO na ang mga walang Building Permit
at Occupancy Permit ay kasama sa mga hindi na bibigyan ng permit o papayagan kahit
sa pag-proseso man lang ng renewal.
Ang regulasyon ay istrikto umanong ipapatupad kasama na ang
pagkuha ng Sanitary Permit at mga Health Cards ng mga trabahante sa Boracay.
Bagamat na nagkaroon daw ng bagal sa pagproseso nito at
nagdudulot ng abala sa mga empleyado nitong taon, nagpaalala naman ang
LGU-Malay na asikasuhin na ito ng mas maaga.
Samantala ,pinasiguro naman ng Boracay Redevelopment Task
Force na tuloy ang pamimigay nila ng Certificate of Compliance sa mga
establisyementong patuloy na nagsi-self correct sa mga violation na nalabag.
Layon di-umano ng Executive Order na makuha ang kooperasyon
ng bawat establisyemento para lalong lumakas ang industriya ng turismo sa
Boracay.
Saludo ako sa pamunuan ng malay mabuhay po kayo, nawanito ay maging isangbdaan sa matiwasay at magandang pamamalakad at pamumuno ng ating mga opisyal, mabuhay din ang yes fm
ReplyDeleteSaludo ako sa pamunuan ng malay mabuhay po kayo, nawanito ay maging isangbdaan sa matiwasay at magandang pamamalakad at pamumuno ng ating mga opisyal, mabuhay din ang yes fm
ReplyDeletemy website hermes dolabuy check it out dolabuy.ru look at this web-site dolabuy hermes
ReplyDeletev5s22y9u08 z2m43j0z55 x6n57o2i22 v4t41k2d72 f9l08h7i74 u2u52k1e80
ReplyDelete