Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinayuhan ngayon ng Aklan Electric
Cooperative (AKELCO) ang mga residente na bantayan ang kanilang mga ginagamit na
generator set (GenSet).
Ayon kay AKELCO Boracay Substation Area Engr. Wayne
Bucala.
Wala naman umanong magiging problema kung marami
ang gumagamit ng generator set basta’t malaki ang kapasidad nito.
Ngunit, ipinapayo ni Bucala na siguraduhing huwag
mag-line sa kanilang system ang mga ginagamit na generator set.
Ibig sabihin, dapat ay naka-off na ito sakaling
bumalik na ang kuryente.
Samantala, muli namang ipinaalala ni Bucala na
bantayan ang mga nakasaksak na aplayanses sa generator, para maiwasan ang
pag-overload nito.
Huwag din umanong gumamit basta-basta ng ibang
kable na hindi angkop sa karaniwang ginagamit ng AKELCO, dahil isa ito sa mga
nagiging dahilan ng over heating.
Bagama’t sa ngayon ay patuloy parin ang rotating
brown out, tiniyak naman ng AKELCO na mareresolba na ang problema sa kuryente
sa lalong madaling panahon.
No comments:
Post a Comment