Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Maglulunsad ang Municipal Disaster Risk Reduction
Management Council (MDRRMC) ng blood letting activity sa bayan ng Malay bukas.
Ito ay bilang bahagi umano ng kanilang patuloy na
adbukasiya para sa disaster preparedness sa bayan ng Malay at isla ng Boracay.
Katuwang nito ang Philippine Red Cross (PRC)
Boracay-Malay Chapter sa pakikipagtulungan din ng PRC Kalibo.
Target ng MDRRMC na maging kasali sa nasabing aktibidad
ang mga first responder katulad ng Malay Disaster Rescue Team, Local Government
Unit, National Agencies at NGO’S.
Nabatid na bago isagawa ang blood letting activity
kinakailangan munang suriin ang mga mag-dodonate kung sila ba ay pasado o
hindi.
Kaugnay nito pinaalalahanan ng MDRRMC na bawal mag donate
ng dugo ang mga may alcohol intake o nakainom ng alak, walang sapat na tulog,
may maintenance na gamot, at may sipon ubo.
Samantala, ang blood letting activity ay magsisimula
bukas ng alas-nueve ng umaga hanggang alas-tres ng hapon sa Malay SB session
Hall.
No comments:
Post a Comment