Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Aids Day ngayong Disyembre nagkaroon
ng aktibidad ang Malay Health Office (MHO) bukas.
Dito nagsagawa sila ng penning of Red Ribbon sa Caticlan jetty port at
sa Boracay front beach partikular na sa station 3 at sa dalawang bar sa isla.
Nakiisa rin sa selebrasyong ito ang Philippine Red Cross (PRC)
Boracay-Malay Chapter at nagkaroon din sila ng penning of red ribbon sa back
beach area.
Ayon naman sa Malay Health Office (MHO) ang kulay pulang ribbon ay
simbolo ng art, love at passion towards people leaving with HIV.
Ipinaliwanag pa ng MHO na ang pagsusuot ng pulang ribbon ay
pakikisimpatya lamang sa mga taong may karamdaman nito.
Sa kabilang banda, ipinaliwanag rin ng Provincial Health office (PHO)
na ang taong may karamdamang HIV ay normal paring nabubuhay at pwedi paring
makapag-trabaho na parang walang iniindang sakit.
Hinihikayat naman nila ang lahat ng mga taong may pagdududa sa kanilang
sarili tungkol sa Aids o HIV na agad na magpakunsulta sa doktor para hindi
lumalala ang inpeksyon.
No comments:
Post a Comment