Ni
Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa
privileged hour ng SB session nitong Martes, sinabi ni SB Member Jupiter
Gallenero na isa sa kanilang pagtutuunan ng pansin ang mga nasabing barge.
Base umano sa kanilang nakuhang impormasyon, umaabot ng ilang araw na naka-dock ang
mga barge na ito rason para ang ilang maliliit na mga bangkang nagdadala rin ng
ibat-ibang suplay sa Boracay ay walang madaungan.
Nabatid
na ang mga barge na walang permit mula sa LGU Malay ay pinoproblema ngayon kung
paano nakakalusot sa isla.
Iginiit
din kasi ni Gallenero na hindi naman ang mga ito mula sa bayan mismo ng Malay
kundi sa ibang mga bayan.
Kaunay
nito nais magpasa ng ordinansa ng SB Malay para matigil na ang ganitong klaseng
ilegal na gawain sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment