Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaya naman naghahanda narin ngayon ang Philippine
Coast Guard (PCG) Boracay Sub-Station sa maaaring pagdagsa ng mga turista sa
isla ng Boracay.
Ayon kay Coastguard Boracay Sub-station Commander Chief
Petty Officer Arnel Sulla, maliban sa mga magbabantay na Coast Guard sa
baybayin ay may mga naka-standby din na syang aalalay sa mga turista lalo na sa mga mag-a- island hopping.
Nakaantabay parin aniya ang mga coast guard sa
beach line para sa sitwasyon at mabigyan ng babala ang mga turistang naliligo sa
Front Beach.
Dagdag pa ni Sulla, nagkakaroon din umano sila ng
security patrol sa Cagban Port at Manoc-Manoc Area para bantayan ang mga sea sports
activities.
Samantala, muli namang nagpaalala ang PCG Boracay
sa mga sasakay ng motor bangka na magsuot ng life jacket.
Pinayuhan din nito ang mga bakasyunista na huwag
maligong mag-isa sa dagat, tiyakin ang kinaroroonan ng mga life guard para sa
agarang assistance, alamin ang kapasidad ng mga motor bangkang sasakyan bago
mag-island hopping, at huwag mag-atubiling tumawag sa Coast Guard para humingi
ng tulong.
No comments:
Post a Comment