Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Paiimbistigahan ng SB Malay ang mga 10 Wheeler trucks na walang
permit, ngunit patuloy na nakakalusot sa isla ng Boracay.
Sa privileged hour ng SB session kanina sinabi ni SB
Member Jupiter Gallenero na nilalabag ng mga nasabing 10 wheeler trucks ang
local ordinance ng Malay.
Ikinagulat pa nito na mayroon umanong nag-iisue ng permit
sa mga operator ng nasabing sasakyan para lang makapasok sa Boracay.
Ayon pa kay Gallenero mula pa sa ibang mga bayan ang mga
sasakyang ito na malayang nakakapapasok sa Boracay kahit walang permit to
transport.
Sa ngayon nais ng SB Malay na malaman mula sa
transportation officer ng isla kung paano ito nangyayari kahit wala namang
permiso at sapat na dukomento.
Nabatid na ang mga 10 Wheeler truck na ito ay nagdadala
ng mga construction supplies gaya ng buhangin, semento at kabilya para sa mga
ginagawang mga establisyemento partikular sa baranggay Yapak.
Samantala, magsasagawa naman ang SB Malay ng kaukulang
imbistigasyon ukol sa nangyayaring illegal na transportasyon.
No comments:
Post a Comment