Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay
Nakatakdang bumisita bukas si Department of Interior and
Local Government Unit (DILG) Secretary Mar Roxas sa probinsya ng Aklan.
Ayon sa Aklan Governor's office, kasama sa pagbisita ni Roxas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at isang pribadong sektor ng bansa para sa gagawing monitoring.
Inaasahan namang pupuntahan ni Roxas ang mga bayan sa Aklan na matinding naapektuhan ng super typhoon para sa gagawing relief operations.
Nabatid na umabot sa mahigit 3 billion pesos ang napinsalang inprastaktura at pangkabuhayan sa Aklan noong kasagsagan ng bagyong Yolanda habang 13 naman ang napaulat na namatay.
All-out narin sa ngayon ang ginagawang paghahanda ng probinsya sa pagdating ni DILG Sec. Roxas bukas ng hapon.

No comments:
Post a Comment