Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Siniguro ng Boracay Land Transport Multi-Purpose
Cooperative (BLTMPC) na hindi makakapagsamantala ang mga tricycle at multicab
drivers sa isla ng Boracay.
Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng maraming mga
turista at bakasyunista sa isla ngayong kapaskuhan.
Ayon kay BLTMPC Board of Director Enrique Gelito, na-orient
na umano ang mga drivers at naipaliwanag narin sa kanila ang mga penalidad sa
mga maaring lumabag sa ipinapatupad na regulasyon at alituntunin ng BLTMPC.
Aniya, maaari din umanong isuspende ang mga driver
kung umabot na ito sa ikatlong paglabag.
Samantala, payo din ni Gelito sa mga pasahero na
tandaan ang mga body number ng bawat masasakyang tricycle o multicab.
Huwag din umanong mahiyang mgsumbong agad sa opisina ng BLTMPC kung may mga nakasalamuhang driver na sobra kung maningil ng pamasahe at hindi nagpapakita ng magandang pakikitungo sa mga pasahero para maaksyunan din agad ito.
kd 15
ReplyDeleteoff white hoodie outlet
off white shoes
nike dunks
fear of god outlet
golden goose
hermes outlet
golden goose
supreme
supreme