Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay
Nakahandang makipagtulungan sa Dept. of Health ang
Department of Tourism o DOT Boracay sub-office para sa pagdiriwang ng World
Aids Day.
Ayon kay DOT Boracay Officer in charge Tim Ticar, naghihintay
pa sila ng mandato mula sa main office ng Dept. of Tourism tungkol sa gagawing
programa para sa nasabing pagdiriwang.
Nakikipag-ugnayan din umano sila sa mga taga Rural Health
Unit (RHU) upang mabigyan ng mga kaukulang impormasyon ang mga turista sa
Boracay tungkol sa HIV/AIDS o Human immunodeficiency virus infection at
acquired immunodeficiency syndrome.
Kaugnay nito, nagpaalala din si Ticar sa mga bisita tungkol
sa safety ng kani-kanilang mga sarili.
Isang family oriented tourist destination umano kasi ang
Boracay, kung kaya’t dapat na panatilihing maging wholesome.
Samantala sinabi pa ni Ticar na naghihintay pa sila ng
instructions sa main office ng Dept. of Tourism kung ano ang mga programang
kanilang ma-i-oorganize ukol sa “World Aids Day”.
Ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Disyembre ang World
AIDS Day upang magkaisa ang lahat na labanan ang nakakamatay na HIV.
No comments:
Post a Comment