Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakahanda na para sa simbang gabi ang HRP o Holy Rosary
Parish Boracay.
Katunayan, sinindihan na nitong Linggo ang isa sa apat na
kandila sa advent wreath na inihanda ng simbahan, bilang hudyat sa pagsisimula
ng tinatawag na adviento o pagdating ng mesias.
Ayon kay Father “Nonoy” Crisostomo ng HRP Boracay, sumisimbolo
sa apat na Linggong paghihintay bago mag-Disyembre 25 ang mga nasabing kandila
na kulay violet at pink.
Para umano sa taos-pusong pagbabago ang sinisimbolo ng kulay
violet, habang sa masayang paghihintay naman sa pagsapit ng pasko ang kulay
pink.
Sisindihan din ang iba pang kandila sa advent wreath sa bawat
Linggong pinaglaanan nito.
Samantala, kinumpirma rin ni Father Nonoy ang iskedyul ng
misa para sa nalalapit na simbang-gabi.
Gaganapin aniya tuwing alas kuwatro ng madaling araw ang
misa, simula ika-16 hanggang ika-24 ng Disyembre, bago magpasko.
Inaasahan namang dadagsain ng mga magsisipagsimba ang HRP Boracay
dahil sa simbang gabi, kung kaya’t pinayuhan ni father Nonoy ang lahat na
magdala ng sariling upuan o pumunta ng mas maaga.
No comments:
Post a Comment