Ni Jay-ar Arante Yes FM Boracay
May paalala ngayon ang Department of Trade and Industry o
DTI sa mga bibili ng laruang pambata ngayong kapaskuhan.
Ayon sa DTI Aklan kailangang suriing mabuti ng mga
mamimili ang kanilang binibiling laruan kug ito nga ba ay ligtas gamitin ng mga
bata.
Kadalasan kasi sa mga ibinibenta ngayon sa mga shopping center
ay yong mga laruan na kuntaminado ng mataas na lead content o toxic chemicals
na mula pa sa ibang bansa.
Maliban dito ang ilan pa sa mga ibinibentang laruan ay
may dalang Toxic metals na antimony, arsenic, cadmium, chromium, lead at
mercury na sadyang dilikado sa mga bata.
Tuloy-tuloy naman ang ginagawang monitoring ng DTI ukol
dito para maiwasan na ang pagbibenta ng ganitong klaseng mga laruan.
Nabatid naman mula sa Ecowaste Coalition na mahigit stoy
samples ang may dalang lead na isang brain damage toxin na nagiging sanhi ng
metal retardation learning difficulties, lower intelligence quotient scores.
Kabilang pa dito ay ang pagkaantala ng paglaki ng mga
bata, pagkakaroon ng anemia pagkabingi at pinsala sa bato.
Sa kabilang banda patuloy parin ang pagsulputan ng mga
nagbibenta ng mga laruang may lead content sa ibat-ibang pamilihan sa probinsya
ng Aklan.
No comments:
Post a Comment