Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Sinalubong ng kilos protesta si DILG Secretary Mar Roxas
kasama sina DSWD Secretary Dinky Soliman at Defense Secretary Voltaire Gazmin
sa probinsya ng Aklan kahapon.
Hindi napigilan ng mga security guard ng Kalibo
International Airport ang grupo ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Aklan sa
ginawa nilang kilos protesta.
Sa mismong arrival area ng nasabing paliparan nagtipon-tipon
ang mga raliyesta at ipinagsigawan na wala umanong kwenta ang kasalukuyang
administrasyong Aquino para sa mga biktima ng bagyo sa Aklan.
Mabilis namang umiwas sina Roxas at tumungong Aklan Provincial
Capitol at nakipagpulong kina Congressman Teodorico Haresco Jr., Gov. Joeben
Miraflores at maging si PRO-6 Regional Director General Agrimero Cruz.
Nabatid na pinag-usapan dito kung paano makakabangon ang
buong lalawigan mula sa naging pinsala ng bagyong Yolanda at ang muling pagbangon
ng turismo ng Boracay.
Nagpahayag rin si Roxas na sa darating na taong 2014 ay maaari
nang gamitin ang 20% development fund para sa pagpapagawa ng government
structures katulad ng covered court, munisipyo at mga public market sa
lalawigan ng Aklan.
Kasama rin sa pulong ang mga alkalde ng mga bayan sa Aklan
at siyam na mga mayors mula sa probinsya ng Antique.
No comments:
Post a Comment