Ni Christy dela Torre, YES FM Boracay
Sa hangaring hindi na maulit pa ang nangyaring ATM
skimming incident noong buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon.
Siniguro ngayon ng mga bangko sa isla na mahigpit ang
kanilang pag-i-inspeksyon sa kanilang mga ATM Machines.
Lalo pa nga’t ngayon ay buwan ng Disyembre, at marami ang
kanilang kliyente na nag-wi-withdraw ng pera.
Ayon sa Metro Bank Boracay Branch, linggo-linggo ay
pinapadalhan sila ng kanilang head office ng reminders may kinalaman sa
siguridad ng kanilang mga ATM Machines.
Nagsasagawa din umano sila ng everyday monitoring sa
kanilang mga ATM Machines, katulad ng physical check-up sa mga ito.
Siniguro din nitong alerto din sila sa posibleng maging
modus muli ng mga scammers.
Paalala naman ng Metro Bank sa lahat ng kanilang mga
kliyente na takpan ang kanilang mga PIN number kapag nag-wi-withdraw, at itago
ang mga resibo.
Dahil may posibilidad na ito ang maging paraan ng mga
scammers para makapambiktima.
No comments:
Post a Comment