YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, October 16, 2013

Disi-otso anyos na babae sa Malinao, Aklan, patay matapos pagsasaksakin ng kaniyang Live In partner

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Patay ang 18-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng ilang beses ng kaniyang live-in partner sa Sitio Mambog Brgy. Cabayugan Malinao, Aklan.

Ayon kay Police Inspector Alfonso Manoba Jr. ng Malinao PNP, bandang alas nueve bente kagabe ng mangyari ang insidente ng maabutan ng supek ang biktimang nakikipag-inuman sa kaniyang mga pinsan.

Napag-alaman na nagalit umano ang suspek sa live-in partner nito dahil sa kabila ng pagkakaroon ng lagnat ng kanilang anak ay nagawa pa nitong makipag-inuman.

Dahil dito agad na kumuha ng kutsilyo ang supek at pinagtataga ang biktima sa ibat-ibang parti ng kaniyang katawan na agad nitong ikinamatay.

Nabatid na halos umabot sa sampu ang natamong saksak ng biktima na kinilalang si Ardelyn Ibutnande ng nasabing lugar.

Agad namang naaresto ang supek na si Boyet Cristobal at ngayon ay kasalukuyang nakakulong sa Malinao PNP at agad na ililipat bukas sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bayan ng Kalibo.

Sa pag-iimbistiga naman ng mga kapulisan napag-alamang lasing din ang suspek ng mangyari ang krimen.

Sa ngayon ay kasalukuyan paring nasa punerarya ang labi ng biktima at ito ay iuuwi  bukas sa kaniyang bahay sa Cabayugan Malinao, Aklan .

No comments:

Post a Comment