Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Todo ang pasasalamat ng gobyerno ng Aklan sa mga tumulong
para sa pagdating ng MS Superstar Gemini bukas sa karagatan ng Boracay.
Ayon kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang, sa
ngalan umano ni Aklan Governor Joeben Miraflores ay ipanaabot nito ang
pasasalamat dahil sa puspusan ang ginagawang tulong at paghahanda ng lokal na pamahalaan
ng Malay at ilang agencies sa Boracay.
Higit naman itong nagpapasalamat sa mga kapulisan kabilang
na ang PCG, mga bantay dagat at MAP dahil sa walang tigil na pagtulong.
Aniya, mahalaga ang kapakanan ng mga turistang sakay ng cruise
ship kaya kinakailangan umano nilang paigtingin ang siguridad.
Puspusan naman ang ginagawang pagtulong ng Department of
Tourism (DOT) sa lahat ng kakailanganin ng mga ito kabilang na ang mga
pupuntahan nilang lugar sa Boracay.
Nabatid na unang layunin ng mga pasahero ay ma-experience
ang island hopping at mag-shopping sa sikat na mall sa isla.
Sa ngayon all-set na ang mga paghahanda para sa pagdating
bukas ng nasabing barko lulan ang mahigit isang libo dalawang daan at pitumput
isang pasahero kabilang na ang siyam na raan at pitumput tatlong crew.
Natutuwa naman ang Aklan Government dahil sa patuloy na
pagpunta ng mga sikat na barkong panturista sa isla ng Boracay.
Samantala bago magtapos ang taon ito ay isa pang cruise
ship ang dadating sa Nobyembre na may pangalang MS Superstar Aquarius.
No comments:
Post a Comment