Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaalalahanan ng Comelec Malay ang mga tatakbo para sa
baranggay election sa pagsisimula ng pangangampanya ngayong araw.
Ayon kay Malay COMELEC Election Officer II Elma Cahilig,
binigyan nila ang mga kandidato ng kopya kung saan sila dapat mag-lagay ng
kanilang poster at Law fall election propaganda.
Paalala ni Cahilig, dapat sundin ng mga kandidato ang
tamang sukat ng mga campaign poster.
Mag-iinspeksyon din umano sila kung may mga sumunod sa
kanilang batas at padadalhan ng notice ang mga lalabag dito.
Samantala, dagdag pa ni Cahilig, bibigyan nila ng tatlong
araw para tanggalin ang mga campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar.
Sa ngayon halos preparado na ang Comelec Malay sa
kanilang mga gagamitin para sa nalalapit na baranggay election ngayong Oktobre
bente-otso.
No comments:
Post a Comment