Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinulong ng Wallem Philippines ang Malay at Boracay PNP
kasama na ang PCG at mga bantay dagat para sa arrival ng cruise ship bukas.
Mismong representative ng Wallem Philippines ang kumausap
sa kanila kung paano nila paiigtingin ang kanilang gagawing siguridad.
Ayon naman kay Boracay PNP Chief PS/Insp. Joeffer Cabural,
isang daan at labing anim ang ikakalat nilang mga pulis sa dadaaan ng mga
bisitang sakay ng barko partikular na sa mga pupuntahan ng mga ito.
Dalawampung coastguard naman ang i-dedeploy sa karagatan
kung saan mag-iisland hopping ang mga bisita.
Kabilang din dito ang mga bantay dagat na pangunahing
nakapaligid sa napakaling barko para siguriduhin ang kaligtasan ng mga sakay na
pasahero.
Mahalaga din ang gagampanan ng Municipal Auxiliary Police
(MAP) para ma control ang trapiko at bigyang importansya ang mga turistang
bisita parta hindi sila mahuki sa kanilang pupuntahang distinasyon sa Boracay.
Samantala, inaasahang alas singko ng umaga dadating ang
cruise ship at babalik ng Maynila patungong China ng alas sais ng hapon sakay
ng mahigit 1,271 na pasahero at 973 na mga crew.
No comments:
Post a Comment