Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kasama sa mga sinibak ni Philippine National Police Director
General Alan Purisima si Boracay PNP Chief Joeffer Cabural.
Ito ang kinumpirma ni APPO o Aklan Police Provincial Office
Information Officer PO3 Nida Gregas, kaugnay sa pagsibak ni Purisma kay mismong
Aklan Police Provincial Director S/Supt. Pedrito Escarilla, Kalibo PNP Chief Supt.
John Limwell Villafranca, Ibajay PNP Chief Police S/Insp. Ricky Bontogon.
Magkaganon paman, hindi pa umano natatanggap ng APPO ang
relieve order mula sa kanilang national headquarters.
Sinasabing paglabag sa istriktong command policy katulad
ng tamang crime statistics reporting ang dahilan ng pagkakasibak ng mga
nasabing opisyal sa puwesto.
No comments:
Post a Comment