Ni Jay-ar M. Arante, YES FM
Boracay
Sa pagbaba ng mga turista
ay sinalubong sila ng dance performance ng Ati-Atihan Tribe kasabay din ng pagsalubong
ng mga taga Provincial Government ng Aklan, LGU Malay, local communities at mga
taga media.
Sa loob naman ng ilang oras, nagkaroon ng pagkakataon ang mga turista at ilang crew ng barko na mag-ikot
ikot sa Boracay.
Nabatid na nag-shopping ang mga
ito sa D’mall de Boracay, kumain sa ibat-ibang restaurant doon at nag-island
hopping.
Samantala, inilarawan naman ni
Superstar Gemini Captain Jukka Silvennoinen na makabuluhan ang sandali nilang
pagpunta sa Boracay bilang kauna-unahan nilang pagbisita sa bansa.
Sa pag-akyat naman ng mga
opisyales ng Aklan at ilang mga Aklanon community sa cruise ship ay inikot sila
sa loob ng barko at ipinakita kung gaano ito kaganda.
Nagkaroon naman ng maikling
programa at nagpalitan ng plaque of appreciation ang mga opisyales ng Aklan sa
pangunguna ni Governor Joeben Miraflores at Bisi-gobernador Gabrille Billie
Calizo Quimpo.
Nagpasalamat naman ang mga ito sa
pagdalaw ng MS Superstar Gemini sa Boracay bilang pangunahing Tourist
destination sa bansa.
No comments:
Post a Comment