Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng iba’t-ibang
ahensya sa Malay at Boracay para sa pagdating ng Cruise ship sa Huwebes.
Katunayan, nagkaroon sila ng huling pagpupulong kaninang
hapon para pag-usapan ang seguridad at mga maaaring problema sa pagdating nito.
Kabilang naman sa mga dumalo sa nasabing meeting ay ang Philippine
Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Department of Tourism (DOT)
at iba pang mga concerned agencies.
Dumalo rin ang representative ng Wallem Philippines para
ipabatid ang kanilang pasasalamat sa naging paghahanda ng mga otoridad sa
nakatakdang pagdating ng cruise ship.
Nabatid na sa alas singko ng madaling araw darating ang
barko at babalik naman alas saes ng hapon sa nasabi ring araw.
Sa ngayon ay patuloy paring isinasagaw ang nasabing
pagpupulong para mapag-usapan ang iba pang mga importanteng bagay para sa
pagdating ng MS Superstar Gemini sa isla.
No comments:
Post a Comment