Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Una nang nagpahayag si Boracay PNP Chief PS/Insp. Joeffer
Cabural na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang gagawing siguridad.
Nabatid na sa bawat lugar na pupuntahan ng mga turistang
sakay ng barko ay may mga pulis na nakaantabay hanggang sa makabalik na ang mga
ito sa barko.
Ayon naman sa mga taga Philippine Coastguard (PCG) Caticlan
nakahanda narin ang kanilang grupo para dito.
Anila, kabilang sila sa mga dadalo sa gagawing meeting
bukas sa Boracay para sa panghuling paghahanda sa malaking event sa isla.
Nagpahayag pa ang mga taga PCG na may-hinihintay pa silang
sulat mula sa jetty port administration kung alin pa ang magiging papel nila
maliban sa pagbabantay ng barko sa karagatan.
Samantala, ang MS Superstar Gemini ay dadaong sa araw ng
Huwebes petsa disi-siyete kung saan isang kilometro ang layo mula sa Cagban
Port.
Inaasahan naman ang pagdating nito alas sais ng umaga at
babalik ng Maynila patungong China ng alas tres ng hapon ng nasabi ring araw.
No comments:
Post a Comment