YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, October 18, 2013

Canadian national na nawawala sa sarili kapag lasing at 2 beses na nagtangkang magpakamatay nakatakas na naman sa DSWD

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Now you see, now you don’t.

Ito ang sitwasyon ngayon ng isang babaeng Canadian National sa Boracay na sinasabing dalawang beses nang nagtangkang magpakamatay.

Nakatakas na naman umano kasi ang nasabing turista, matapos na i-turn over ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kung saan, isa na namang report kanina ang natanggap ng Boracay PNP na umalis umano sa DSWD ang nasabing babae at hindi na naman makita.

Nakilala ang 21 anyos na Canadian national kay Amanda Gudot, at sinasabing may problema sa pag-iisip.

Dalawang beses na umanong tinangkang tapusin ang sarili niyang buhay, subalit lagi namang natutulungan ng mga tao.

Nabatid na nitong nagdaang araw umano ay muling nagtangka ang biktima na tumalon sa sinasakyang tricycle at ang pinakahuli ay tumalon naman ito mula sa sinasakyang motorbanca.

Patuloy naman sa ngayong iniimbistigahan ng pulisya ang nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment