Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy parin ngayong iniimbistigahan ng Boracay Island
Fire Protection Unit ang nangyaring sunog kahapon sa baranggay Balabag sa isla
ng Boracay.
Ayon sa mga taga fire protection unit agad nilang
nirespondihan ang nasabing sunog pagkatapos ng may tumawag na isang concern citizen
mula sa Balabag action center.
Anila isang bodega ng karton ng sigarilyo at bricks ang
kanilang naabutang umaapoy bandang ala ona ng hapon.
Agad namang inapula ng mga bombero ang nasusunog na
bodega sa tulong ng Boracay Island Water Company (BIWC) at tatlong sasakyan ng
mga bombero na puno ng tubig.
Basi naman sa mga salaysay ng ilang residinte sa nasabing
lugar na ilan anilang mga kabataan ang kanilang nakita na naglalaro doon bago nangyari
ang insidente.
Dagdag pa ng mga taga BISFPU wala namang nadamay na mga
kalapit na kabahayan at nasaktan sa nasabing sunog.
Samantala, patuloy parin ngayon ang ginagawang
imbistigasyon ng mga taga Boracay Fire station kung ilan ang naging pinsala sa
sunog at kung saan ito nagmula.
No comments:
Post a Comment