Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpapasalamat ngayon ang Aklan Government sa mga
tumulong sa matagumpay na pagbisita ng MS Superstar Gemini sa Boracay nitong
Huwebes.
Sa pangunguna ni Aklan Governor Joeben Miraflores at
Bisi-Gobernador Gabriele Calizo-Quimpo ipinaabot nila ang kanilang pasasalamat
sa mga naging bahagi ng malaking okasyon na naganap sa isla.
Una na rito ay ang lokal na pamahalaan ng Malay, Department
of Tourism at ibat-ibang private agencies na malaki ang naiambag sa maayos na
pagtanggap sa mga bisitang sakay ng cruise ship.
Pinasalamatan din ang mga PNP, PCG, bantay-dagat dahil kanilang
pagpatrolya sa mga lugar na pinuntahan ng mga nasabing turista.
Samantala, ang pamunuan naman ng Wallem Philippines ang
naging daan sa matagumpay na pagbisita ng cruise ship sa Boracay.
Bago naman magtapos ang taong 2013 ay isa pang cruise
ship ang inaasahang bibista sa Boracay sa Nobyembre a-kwatro na may pangalang
MS Superstar Aquarius.
No comments:
Post a Comment