Ni Christy T. Dela Torre, YES FM Boracay
Naturuan ng tamang paraan sa pagtapon ng nagamit na
langis ang mga tricycle operators at drayber sa Boracay.
Ito ang kampanteng sinabi ni Boracay Land Transport Multi
Purpose Cooperative o BLTMPC General Manager Ryan Tubi, kaugnay sa itinatapong langis matapos mag-change oil sa
kanilang traysikel ang mga nasabing drayber.
Ayon kay Tubi, bagama’t may kaniya-kaniyang pamamaraan ang
mga ito ng pagtapon ng langis matapos mag-change oil.
Nasisiguro umano niya na naitatapon naman ito ng maayos,
kung saan ang mga changed oil ay nire-recyle naman, at inililibing sa lupa.
Alam din umano kasi ng mga ito na mapanganib ito sa
paligid.
Samantala, ayon pa kay Tubi, wala namanng regulation ang
LGU Malay ukol dito, kung kaya’t sila na rin mismo ang nagtuturo sa mga operators
at drayber ng tamang pagtapon ng mga pinalitang langis.
No comments:
Post a Comment