Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagkaroon ng Training on tour package development and
services delivery ang ibat-ibang tourism agencies sa probinsya ng Aklan.
Ayon kay DOT Boracay officer in-charge Tim Ticar, dalawang
araw ang kanilang ginawang training sa bayan ng Kalibo simula noong a-nueve hanggang
a-onse nitong Oktobre.
Ilan umano sa mga partisipante nito ay ang mga tourism
officers ng bawat bayan sa Aklan, Hotelier, Tour travel agency operators at
transports operators.
Aniya, dito sila tinuruan kung pa ano ma-idedevelope ang
tour packaging at product development para e-market ang Aklan sa mga turista
lalo na ang isla ng Boracay.
Una namang sinabi ni Ticar na pinagtutuunan nila ng
pansin ang pag-propromote ng Boracay sa ibang bansa para lalo pa itong
tangkilikin.
Karamihan naman sa mga dumalo ay mula pa sa Boracay na
may hawak ng malalaking tour travel agency.
Sa ngayon tiwala ang Department of Tourism (DOT) na lalo
pang-uunlad ang turismo ng probinsya ng Aklan.
No comments:
Post a Comment