“Wait and see”na lang ang LGU Malay sa kaso ng
kontrobersyal na West Cove o Pacquiao Resort.
Ayon
kay Malay Administrator Godofredo Sadiasa.
Korte
na ang bahala sa kung anuman ang iginigiit ng nasabing resort kaugnay sa
kanilang ginawang development doon.
Ito’y
matapos lumabas nitong mga nagdaang araw sa ilang pahayagan ang paglilinaw ni
West Cove CEO Crisostomo Aquino na labas na ang West Cove sa ipinapatupad na
25+5 meter easement sa Boracay.
Ayon
kay Aquino, ibinase umano kasi nila sa FLAG-T o Comprehensive Use Agreement for
Tourism Purposes na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources
ang ginawa nilang pagpapaunlad sa West Cove.
At
kahit sinang-ayunan ito ni Sadiasa, hindi rin nila mabibigyan ng mayor’s permit
ang West Cove.
Bagama’t umaasa umano ang LGU Malay na naiintindihan ng mga
resort owners ang layunin ng 25+5 meter easement sa isla.
Sinabi
pa ni Sadiasa na matatag ang kanilang paninindigan na ang batas ay batas.
Ayon
naman sa ulat, buo ang suporta ng West Cove sa utos ni Pangulong Aquino III sa
pagbubuo ng Task Force upang mapabilis ang Master Development Plan sa Boracay.
kyrie shoes
ReplyDeletegolden goose
goyard bag
off white t shirt
gap yeezy
hermes
a bathing ape
off white hoodie
off white x jordan 1
yeezy