Mas magandang isauli kaysa pag-interesan.
Ito ang sinabi kahapon ni Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector
Fidel Gentallan, kaugnay sa pagkakarekober nila ng mga naiiwang cell phone ng
mga turista mula sa ilang traysikel drayber sa Boracay.
Ayon kay Gentallan, mas makabubuting isauli na lang ng mga traysikel drayber ang mga
naiiwang gamit ng kanilang mga pasahero, sa halip na angkinin ito.
Nakakadismaya pa umano kasi na kahit positibong itinuturo sila
ng kanilang pasaherong turista ay itinatanggi pa ng mga ito ang naiiwang gamit
sa kanilang trasysikel.
Dahil dito, pinayuhan ni Gentallan ang mga nasabing drayber na
i-surrender at iparekord sa kanila ang mga naiiwang gamit ng mga pasahero.
Ayon pa kay Gentallan, ang sinumang nakapagsasauli ng mga naiiwang gamit ng mga turista
ay binibigyan nila ng parangalan sa Joint Flag Raising Ceremony ng Boracay
Action Group.
Napag-alamang isang drayber ang nahulog sa entrapment operation ng
Boracay PNP nitong Miyerkules, matapos umano nitong humingi ng sampung libong
piso kapalit ng naiwang cell phone ng isang Koreano sa kanyang traysikel.
No comments:
Post a Comment