Ang
mahigit sa tatlong beses na pag-absent ay may kaukulang disciplinary actions o
pagdidisiplina.
Ito
ang paalala ni Malay SB Member Rowen Aguirre sa kanyang mga kapwa konsehal, sa
tuwing may gaganaping committee meeting.
Dapat
umano kasi ay nasusunod mismo nila ang kanilang rules o patakaran tungkol dito.
Kaya
naman sinabi pa ni Aguirre na dapat ipagbigay-alam kaagad sa SB Secretary o sa
mismong committee chairman, sakaling hindi makakadalo ang isang miyembro ng
kumitiba.
Bagay
na sinang-ayunan naman ni mismong Vice Mayor Wilbec Gelito sa ikawalong regular
session nitong Martes.
Samantala,
ayon pa sa Bise Alkalde.
Kapag
hindi umano naipagbigay-alam ang dahilan kung bakit hindi makakadalo sa meeting
ang isang miyembro ay ma-antala ang oras ng lahat lalo na kapag may
inimbitahang bisita.
Iginiit
din ni Gelito na sila sa LGU ay dapat na maging punctual o laging maagap.
No comments:
Post a Comment